Franchise renewal ng ABS-CBN, ipauubaya na sa Kongreso

271

Ipinauubaya na ng Malacañan sa Kongreso kung aaprubahan ang renewal ng prangkisa ng ABS-CBN Corporation.

Matatandaang mapapasok na ang franchise ng broadcast network sa March 2020.


Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo – wala sa Pangulo ang ‘bola,’ kundi sa Kongreso.

Matatandaang sinabi ng Pangulo na haharangin niya ang franchise renewal ng ABS-CBN na inakusahan niyang hindi inere ang political advertisement na binayaran ng kanyang campaign team noong 2016.

Ang panukalang franchise renewal na inihain sa Kamara ay hindi pumasa sa 17th Congress at muling ihahain sa papasok na 18th Congress.

Facebook Comments

From Advertisers