Freddie Roach, gagawa ng adjustment sa training ni Pacman

291

Todo ensayo ngayon ang pambansang kamao na si Manny Pacquiao bilang paghahanda para sa nalalapit na laban nito kay Adrien Broner.

Kasama ni Manny sa kaniyang pag-eensayo si coach Freddie Roach kung saan sumabak siya sa 10-rounds sparring session sa loob ng wild card gym.

Matatandaan na bago ang laban ni Pacman kay Lucas Matthysse noong Hulyo 2018 ay naghiwalay ng landas ang dalawa at pinili ni Pacquiao na sumailalim sa training ng kanyang kaibigan na si Buboy Fernandez.

Bukod dito, nagkaroon din siya ng pagkakataon para pasalamatan si Donnie Nietes matapos masungkit ang WBO Super Flyweight World Champion laban sa Japanese boxer na si Kazuto Ioka na ginanap sa Macau.

Dedepensahan ni Pacquiao ang kanyang WBA World Welterweight Title na gaganapin sa January 19 sa MGM Grand Garden Arena.

Facebook Comments

From Advertisers