Free Anti-Rabies Vaccination at Deworming, isasagawa sa bahagi ng Maynila bukas

54

Magkakaroon bukas ng libreng anti-rabies vaccine at deworming sa Zone 16, District 2 sa lungsod ng Maynila.

Partikular itong gagawin sa Rotonda at sa Librada Elementary School.

Ito ay programa ng Manila City Government Veterinary Inspection Board bilang pakikiisa sa tema ng World Rabies Day na “End Rabies: Collaborate, Vaccinate.”

Ang aktibidad ay personal na pangungunahan ni Dr. Nick Santos Jr. at ng mga kawani mula sa Veterinary Inspection Board ng lungsod.

Ang mga nais makibahagi sa programa ay kailangang magdala lamang ng Valid ID na magpapatunay na kayo ay residente o kasalukuyang naninirahan sa Maynila.

Facebook Comments