Free delivery, susi sa paghakot ng customers ng Pares and Tapa Republic

53

Bago pa man magsimula ang COVID-19 pandemic ay patok na patok sa mga magkaka-tropang mahilig kumain ang mga silog at pares.

Kaya nang magpatupad ng mga lockdown, marami sa atin ang hindi makalabas at na-miss ang mag-food trip.

Pero sa interview ng Business as Usual, ikinwento ng owner na si Maria Veronica Tojon na itinuloy pa rin nila ang negosyong Pares and Tapa Republic sa pamamagitan ng online.


Marami kasi aniyang mga suki ang umo-order sa kanilang mga silog meals kung kaya’t naisipan nilang mag-alok ng free delivery sa mga piling lugar.

Facebook Comments