FREE MASSIVE ANTI-RABIES VACCINATION, IHAHATID NA SA MGA BARANGAY NG LINGAYEN

Ihahatid na sa mga barangay ng Lingayen ang libreng Free Massive Anti-Rabies Vaccination para sa mga alagang aso at pusa ng mga residente sa nasabing bayan, na inisyatibo ng lokal na pamahalaan at pinangunahan ng Municipal Agriculture Office (MAO).
Pinaalalahanan ng LGU Lingayen ang kahalagahan ng pagpapabakuna sa mga alagang aso at pusa na naglalayong mabawasan ang kaso ng rabies, gayundin ang maigting na pagsusulong nito sa bayan.
Itinakda naman ang mga schedule ng bawat barangay sa Lingayen na susundin ng mga gustong magpabakuna ng kanilang mga alagang aso at pusa. Sisimulan ang massive vaccination mula 8:30 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali.

Samantala, nauna nang isinagawa ang naturang pagpapabakuna sa sa Barangay Maniboc kung saan 91 na bilang ng mga alagang aso at 11 naman sa pusa ang matagumpay na nabakunahan. |ifmnews
Facebook Comments