Free Wi-Fi sa lungsod ng Makati, palalakasin ng Globe Telecom

Nakipag-partner ang Globe Telecom sa lokal na pamahalaan ng Makati upang magbigay ng libreng Wi-Fi sa mga mamamayan nito.

Ito’y matapos lumagda ng kasunduan ang Telco at ang LGU para magbigay ng free Wi-Fi access sa 27 Barangay Health Centers, Makati City Hall, at University of Makati sa pamamagitan ng GoWiFi.

Ayon kay Glob President and CEO Ernest Cu, isang magandang halimbawa ang Makati na nangangailangan ng Network Infrastructure.


Ang mga Globe Prepaid at TM Subscribers sa Makati ay pwedeng mag-enjoy ng 1 Gigabit ng free GoWiFi sa bawat pagpaparehistro sa mga promos ng Globe tulad ng Gosakto, Gosurf, at Easysurf na nagkakahalaga ng 50 pesos pataas sa anumang GoWiFi Hotspot sa lungsod.

Sa ngayon, ang GoWiFi ay accessible sa 2,500 sites sa buong bansa.

Facebook Comments