French couple, kulong matapos manguha ng buhangin sa Italy

Nahaharap sa anim na taong pagkakakulong ang isang French couple dahil sa pangunguha ng buhangin sa Sardinia Beach.

Nagbabakasyon lamang ang magkasintahan sa white sand beach nang magpasya silang kumuha ng buhangin nito bilang souvenir.

Nadiskubre ng mga pulis sa kotse ng mag-asawa ang 14 bote na puno ng buhangin mula sa beach na may bigat 40 kilo.


Hindi naman alam ng mga turista na lumalabag na sila sa batas, pero maraming signages sa beach na nagbibigay babala mga turista.

Ang Sardinia Beach ay protektado kung saan pinagmumulta ang mga nangunguha ng $3,480 o higit ₱182,000.

Facebook Comments