Frencheska Farr, itinanghal bilang Outstanding Dramatic Actress sa The Micheaux Film Festival

31

Itinanghal ang singer-actress na si Frencheska Farr bilang Outstanding Dramatic Actress sa The Micheaux Film Festival na ginanap sa Los Angeles, California para pagganap niya sa short film na “Harana.”

Sa Instagram, nag-post si Frencheska ng larawan na hawak ang kaniyang tropeo kung saan inilaan niya ang kaniyang panalo sa lahat ng Pilipino.


Nagpasalamat din si Frencheska sa grupong nasa likod ng “Harana,” mga kaibigan, kapamilya at sa mga nagmamahal at sumusuporta sa kaniya.

Ang “Harana” na idinirek ni Marie Jamora na kuwento ng isang Pinay singer sa Las Vegas at nangungulila sa kaniyang anak na nasa Pilipinas.

Maliban dito, nakamit din ng “Harana” ang pagkilala sa kategoryang Outstanding Music.

Facebook Comments