‘Fresh Market on Wheels’, mag-iikot ngayong araw sa limang barangay sa QC

27

Umiikot na ngayong araw ang ‘Fresh Market on Wheels’ sa limang barangay sa Quezon City para magbenta ng sariwang gulay, prutas, isda at karne.

Inaabisuhan ang mga mamimili ng Barangay Salvacion at St. Peter na abangan ang market on wheels sa barangay hall.


Gayundin sa barangay hall ng Alta Vista, Varsity Ville at Xavierville sa Barangay Loyola Heights at Hillcrest-F.Manalo at sa Barangay Immaculate Concepcion.

Mananatili naman sa Avida at Greenhills sa Barangay Bagong Lipunan ng Crame.

Pinayuhan ng QC Small Business and Cooperatives Development Promotions Office ang publiko na makipag-ugnayan lamang sa kanilang barangay para malaman ang ruta ng ikot o eksaktong pwesto ng Fresh Market on Wheels.

Pinaalalahanan din ang publiko na huwag kalimutang magsuot ng face mask at sumunod sa physical distancing.

Facebook Comments