FRIENDSHIP GOALS | Magbabarkada sa Butuan na sabay-sabay nagtapos with flying colors, trending!

99

Butuan City – Pumi-“friendship goal” ang isang barkada sa Butuan City matapos na sabay-sabay nagtapos ng BS Accounting Technology sa Father Saturnino Urios University.

Lalo pang nag-trending ang 16 na magkakaibigan dahil pare-pareho silang nagtapos with flying colors!

Isa sa kanila ang Summa Cum Laude, walo ang Magna Cum Laude at anim ang Cum Laude.

Bagama’t naabot ng isa pa nilang kaibigan ang average grade, bigo siyang makakuha ng parangal dahil nag-shift siya ng course.

Noong nag-aaral pa, naging goal na raw talaga nila na walang maiiwan sa kanilang magbabarkada na napag-alamang magkakaklase na simula pa noong high school!

Dahil dito, trending sa social media ang graduation picture nila na may caption na “squad goals” na humakot na ng 52,000 likes at 17,000 shares.

Facebook Comments