Frontline services ng PNP Civil Security Group, pinalawig

88

Inutos na ni Philippine National Police (PNP) Chief PGen Debold Sinas sa Civil Security Group (CSG) na palawigin ang kanilang frontline services sa national headquarters.

Ito’y para makapag-accommodate ng mas maraming kliyente.

Ayon kay CSG Director Police Brigadier General Rolando Hinanay, sakop ng frontline services ang License to Exercise Security Profession (LESP) para sa private security at License to Own and Possess Firearms (LTOFP) sa One-Stop-Shop.


Magiging bukas ang One Stop Shop (OSS) hanggang weekends at holidays simula November 28 hanggang December 13, 2020.

Tuwing Sabado, bukas ang OSS mula 8:00 AM hanggang 5:00 PM.

Bukas naman ito kapag Linggo at holiday ng 8:00 AM hanggang 12:00 PM.



Ibabatay ang scheduling scheme sa mga kliyente base sa kanilang online queuing system para makontrol ang mga papasok sa Camp Crame.

Batay kasi na sa daily average ng PNP, umaabot sa 700 hanggang 800 ang mga kliyente ng CSG-OSS.


Facebook Comments