Frontliners na empleyado ng Comelec, pinagsusuot na rin ng face mask

76

Sa harap ng banta ng 2019 Novel Coronavirus, nagsuot na rin ng face mask ang ilang mga opisyal at kawani ng Comelec.

 

Pinayuhan din ni Comelec Chairman Sheriff Abas ang mga head ng iba’t-ibang departamento ng Comelec para sa kaukulang pag-iingat sa novel coronavirus.


 

Sa kabila nito, nilinaw naman ni Comelec Spokesman Dir. James Jimenez na wala pang inilalabas na memorandum si Chairman  Abbas na nag-oobliga sa kanilang mga empleyado na magsuot ng face masks.

 

Gayunman, sinabi ni Jimenez na hinihikayat nila ang kanilang mga kawani lalo na ang mga frontliners na magsuot na rin ng face masks para sa kanilang proteksyon.

Facebook Comments