Frontliners, prayoridad sa anti-COVID vaccine ayon sa DOH

69

Inamin ni Department of Health Secretary Francisco Duque III na hindi lahat ng mamamayan ay mababakunahan ng anti-COVID-19.

Sa kaniyang pagharap sa virtual press briefing ng Department of Health (DOH), sinabi ni Duque na ang mga mababakunahan lamang ay ang nasa listahan ng mga prayoridad na tinukoy ng gobyerno.


Partikular ang health care workers, frontliners at barangay health workers.

Kasama na rito ang mga frontliner mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of Education (DepEd), gayundin ang uniformed personnel mula sa Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP), Bureau of Corrections (BuCor) at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Prayoridad din ang mga mahihirap na Pilipino na nasa vulnerable sector tulad ng mga senior citizen.

Facebook Comments