Sunday, July 12, 2026

Frustration sa nangyayaring tensyon sa Senado at mga problema sa bansa, umabot na hanggang sa mga armed services

Umabot na hanggang sa armed services ang frustration na nararamdaman kaugnay sa nangyayaring tensyon sa Senado at sa buong bansa.

Ayon kay Senator Ping Lacson, hindi lang ang banta sa seguridad sa Senado na naibahagi ni National Bureau of Investigaion (NBI) Director Melvin Matibag ang impormasyong nakarating sa kanila kundi ang intel na nakaabot na rin sa mga battallion at regional levels ng armed services ang frustration ng mga uniformed personnel.

Nilinaw naman ni Lacson na sa ngayon, ang impormasyong ito ay sketchy at raw o hilaw pa.

Dagdag pa ng senador maiging binabantayan na ang mga developments sa nagpapatuloy na krisis sa national level na dulot ng iba’t ibang dahilan sa parehong internal at external.

Nang tanungin kung saan ba frustrated ang mga armed services, tugon ni Lacson tungkol sa Senado at sa iba pang mga isyu tulad ng flood control issues, inflation, presyo ng langis at iba pang mga problema sa bansa.

Facebook Comments