Fuel subsidy sa mga magsasaka at mga mangingisda, dapat nang ipamahagi

117

Nakiusap si Magsasaka Partylist Rep. Argel Cabatbat sa pamahalaan na ipamahagi na ang fuel subsidy sa mga magsasaka at mga mangingisda.

Mababatid na inanunsyo ng gobyerno ang paglalaan ng P500 million na fuel subsidy para sa mga magsasaka at mga mangingisda sakaling pumalo sa US $80 o higit pa ang kada bariles ng krudo sa pandaigdigang merkado sa loob ng tatlong buwan.

Pero nangangamba ang kongresista na dahil walong sunod-sunod na linggo nang tumataas ang halaga ng langis ay apektado na ang gastos sa produksyon sa agrikultura.


Kung magpapatuloy aniya ito ay posibleng patungan ang presyo ng mga ani kung saan mga consumer naman ang maaapektuhan.

Hindi na kakayanin ng mga maliliit na magsasaka ang patuloy na pagtaas sa presyo ng langis dahil sinabayan pa ito ng mataas na presyo ng abono.

Hindi rin aniya makabawi ang mga magsasaka dahil napakababa naman ng farmgate price ng produkto tulad ng palay.



Bukod dito, baon na rin sa utang ang mga agrikulturang manggagawa at hindi rin makabawi sa kanilang puhunan.

Facebook Comments