FULL MAINTENANCE | Pagsasa-ayos sa 47 bagon ng MRT-3, natapos na

Manila, Philippines – Nakumpleto na ng Department of Transportation (DOTr) ang pagkukumpuni ng 47 bagon ng Metro Rail Transit (MRT) line 13.

Ito ay matapos ang taunang full maintenance nito sa kakatapos na Holy Week.

Ayon sa DOTr-MRT3 Media Relations Officer Aly Narvaez, katumbas nito ang 15 tren at may dagdag pang dalawang spare light rail vehicles.


Aniya, patuloy ang isinasagawang safety checks at test runs sa mga tren bago ito ibiyahe.

Sa ngayon, ang time interval sa pagitan ng bawat tren ay mula apat hanggang limang minuto.

Facebook Comments