Full swing ng ballot printing para sa barangay at SK elections, tuloy sa Lunes

112

Inanunsyo ng Commission on Election (COMELEC) na “full-swing” na ang pag-imprenta ng mga balota sa Lunes, October 3.

Kaugnay ito ng barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections sa December 5.

Nitong Huwebes, September 29, sinimulan na ng COMELEC ang “soft-launch printing” ng mga balota.


Kasunod ito ng paglagda ng kasunduan ng COMELEC at ng National Printing Office.

Una nang nilinaw ng COMELEC na hindi masasayang ang mga naimprentang balota kahit na hindi matuloy ang barangay at SK elections sa Disyembre.

Facebook Comments