FUN RUN FOR A CAUSE PARA SA WOMEN’S MONTH, NAKATAKDANG ISAGAWA SA BAYAMBANG

Isasagawa ang isang Fun Run for a cause sa bayan ng Bayambang bilang pakikibahagi sa darating selebrasyon ng Women’s Month sa susunod na buwan.

Ang nasabing aktibidad ay may layon na bigyan ng boses at patuloy na suportahan ang mga kababaihan lalo na sa usapin ng Anti-Trafficking at Violence Against Women and Children (VAWC).

Ang malilikom na pondo sa isasagawang aktibidad ay ilalaan sa pagbili ng bahay kubo para sa mga mapipiling benepisyaryo.

Isasagawa ang naturang fun run sa March 8, 2025 kasabay sa selebrasyon ng 50th International Women’s Month Celebration. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments