FUND RAISING PROJECT | Ilang PBA legends, magsasagawa ng charity game para sa mga dating players na hirap ngayon sa buhay

Manila, Philippines – Tiyak ngayon ng mga organizers na magiging masaya ang mga fans sa magaganap na laro ng mga PBA legends.

Maghaharap ang San Miguel Beermen laban sa Alaska, at Ginebra kontra Purefoods para sa fund raising project ng samahan ng mga dating professional basketball players ng Pilipinas.

Posibleng mapanood ang laro sa September 9 o 16 kung saan lahat ng malilikom na pera ay mapupunta sa trust fund para naman sa mga dating PBA players na naghihirap ngayon sa buhay.


Inaasahang kasama sa mga maglalaro sina Johnny Abarrientos, Ato Agustin, Marlou Aquino, Hector Calma, Jeffrey Cariaso, Jerry Codinera, Bad David, Ramon Fernandez, Bong Hawkins, Vince Hizon, Noli Locsin at Chito Loyzaga.

Ayon kay Atoy Co na siyang founding president ng samahan, lahat ng mga dating PBA players ay imbitado sa magaganap na reunion game.

Facebook Comments