Funding provisions para sa pagtatatag ng Department of Water Resources (DWR) lusot na sa Committee on Appropriations

25

Inaprubahan na ng House Committee on Appropriations ang funding provisions ng panukalang pagtatatag ng Department of Water Resources (DWR) at ang Water Regulatory Commission (WRC).

Sa budget hearing ng komite ay kinatigan ng mga miyembro ang section ng panukala para sa budgetary requirements na kakailanganin sa pagtatatag ng naturang bagong ahensya.


Ang panukalang DWR na isa sa mga priority bills ng administrasyong Duterte, ang magiging pangunahing ahensya na responsable sa pamamahala ng mga water resources sa bansa.

Facebook Comments