Funeral mass para kay dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III, isinasagawa

Isang necrological mass ang isinasagawa ngayon sa Church of Gesu sa Ateneo de Manila University para kay dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.

Alas-9:10 kaninang umaga ng dumating sa chapel ang urn ng dating pangulo mula sa tahanan ng kanyang kapatid sa Green Meadows Subdivision sa Quezon City.

Sinalubong ang urn ni PNoy ng honor guards.


Eksaktong alas-10:00 ng umaga ng umpisahan ang necrological mass sa pangunguna ni Archbishop Socrates Villegas.

Pagkatapos ng misa, dadalhin ito sa Manila Memorial Park sa Sucat, Parañaque City sa tabi ng kanyang mga magulang.

Si Aquino ay nasawi noong Hunyo 24 sa ganap na alas-6:30 ng umaga dahil sa renal disease secondary to diabetes.

Facebook Comments