FUNERAL SERVICE | Mga patay, apektado rin TRAIN Law

70

Manila, Philippines – Hindi lamang buhay, kundi pati patay ay apektado ng TRAIN Law.

Ayon kay Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate, ang pagtaas ng inflation ay hindi lamang nagpapababa sa purchasing power ng mga Pilipino kundi pumapatay din sa bansa bunsod ng tumataas na presyo ng mga produkto at serbisyo.

Aniya, kasama sa mga apektado ng TRAIN Law ang mga yumaong mahal sa buhay dahil sa pagtaas na rin ng presyo ng mga funeral service.

Sinabi ni Zarate na ang minimum sa funeral service ay tumaas ng P1,000 at hindi pa kasama dito ang kabaong, lupa sa sementeryo at mismong pagpapalibing.

Dahil dito pinamamadali ng mambabatas ang pagapruba sa House Bill 3028 upang makatulong sa mga mahihirap na namatayan ng mahal sa buhay.

Sa ilalim ng panukala, pinabibigyan ng 50% discount sa funeral service ang mga mahihirap na pamilya na namatayan ng kaanak.

Habang pinabibigyan naman ng libreng funeral service ang mga pamilyang kabilang sa extremely poor.

Facebook Comments