Gabinete ni PBBM, mas magiging epektibo dahil sa appointments nina Teodoro at Herbosa

Kinatigan ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang pagtalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kay Defense secretary Gilberto Teodoro Jr., at Health Secretary Dr. Teodoro Herbosa.

Tiwala si Romualdez na ang mayamang karanasan sa defense at health nina Teodoro at Herbosa ay daan para mas lumakas at maging epektibo ang gabinete ni Pangulong Marcos.

Para kay Romualdez, ang pagtalaga kina Teodoro at Herbosa ay nagpapakita na pinipiling mabuti ni Pangulong Marcos ang mga pinakamahuhusay para maging katuwang niya sa paglilingkod sa mamamayan.


Diin ni Romualdez, mataas ang kaalaman nina Teodoro at Herbosa sa kanilang mga tungkulin.

Mahalaga din para kay Romualdez na paiiralin nina Teodoro at Herbosa ang civilian perspective sa defense and health sectors.

Facebook Comments