Gal Gadot, napa-wow sa make-up transformation ni Paolo Ballesteros

Manila, Philippines – Muli na namang pinabilib ng actor-host na si Paolo Ballesteros ang global netizens sa kanyang panibagong make-up transformation nang gayahin nito ang sikat na Wonder Woman icon ngayon na si Gal Gadot.

Napansin pa ito mismo ni Gal Gadot na gumanap na Diana sa nasabing pelikula at napa-wow sa video ng kanyang magical transformation.

Naka-tag pa sa twitter post ng Israeli actress at modelo si Paolo kasama ang video ng make-up transformation nito.
DZXL558


Facebook Comments