GALE WARNING, ITINAAS SA BAYBAYIN NG WESTERN PANGASINAN

Itinaas ang gale warning sa baybayin ng Western Pangasinan ayon sa pinakahuling abiso ng Pangasinan Disaster and Risk Reduction Management Office (PDRRMO) kahapon, Marso 13.

Saklaw ng babala ang mga baybaying bayan ng Bolinao, Bani, Agno, Burgos, Dasol, at Infanta kung saan inaasahan ang malalakas na hangin at matataas na alon sa karagatan.

Pinayuhan ng awtoridad ang mga bangkang pangisda at iba pang maliliit na sasakyang pandagat na huwag munang pumalaot habang nananatiling mataas ang panganib sa karagatan.

Inalerto rin ang mga malalaking sasakyang pandagat na mag-ingat sa paglalayag dahil sa posibleng malalaking alon.

Batay sa advisory, inaasahang aabot sa 48 hanggang 68 kilometro bawat oras ang lakas ng hangin habang maaaring umabot sa 10 hanggang 16 na talampakan ang taas ng alon sa mga apektadong baybayin. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments