GALING! | Bata na 13-anyos pa lang, businesswoman na

50

Amerika – Patok ngayon sa Amerika ang lemonade business na “me & bees lemonade”

Pero alam niyo ba na ang CEO at founder nito ay isa lang 13-anyos na batang babae?!

Si Mikaila Ulmer ay isa nga sa mga pinakabatang business owner sa US.

Katunayan, ilang parangal na ang tinanggap niya kasama ang pagkilala ni dating US President Barack Obama.

At bukod sa mga TV interview at guesting, naiimbitahan na rin siya bilang guest speaker sa mga entrepreneurship conference

Taong 2009 nang simulan niya ang kanyang negosyo kung saan umabot na sa 500 ang stores niya sa buong Amerika!

Sa kabila ng tagumpay, aminado si Mikaila na nahihirapan din siyang mag-manage ng kanyang mga negosyo dahil isinasabay niya pa rin dito ang kanyang pag-aaral.

Facebook Comments