Galvez, tumanggi munang pangalanan ang 17 potential COVID-19 vaccines

41

Tumanggi si National Task Force against COVID-19 Chief Implementer at Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr. na pangalanan ang 17 potential vaccines na ine-evaluate ng vaccine experts panel.

Katwiran ni kay Galvez, ang isasagawang evaluation ay napaka-kritikal.


Pero sinabi ni Galvez na ang mga pharmaceutical companies ng mga bakunang sumasailalim sa review ay mula sa Estados Unidos, China, Russia, United Kingdom, Japan, India, Israel at Germany.

Sa ngayon, ang Chinese vaccine na Sinoval ang nakalusot sa vaccine experts panel pero nangangailangan pa rin ito ng approval mula sa Ethics Board at sa Food and Drug Administration (FDA).

Facebook Comments