Gamboa, hinimok ang mga pulis na mag donate ng tig-sampung piso para sa mga biktima ng pag-alburuto ng bulkang Taal

1378

Hinikayat ni PNP OIC PLt. General Archie Francisco Gamboa ang lahat ng miyembro ng PNP na mag-ambag ng tig-Sampung piso para sa mga biktima ng pagalburuto ng Bulkang Taal.

Ayon Kay Gamboa, ito ay voluntary contribution na kokolektahan ng mga Unit commanders mula sa kanilang mga tauhan.


Pero ayon kay Gamboa na ang mga may ranggong Heneral ay welcome na mag-donate ng mas malaking halaga.

Inaasahan ni Gamboa na makakalikom sila ng 3 milyong piso , katulad ng kanilang nalikom para sa mga pulis na nabiktima noong nakaraang lindol.

Pero nilinaw ni Gamboa na sa pagkakataong ito, ang kanilang malilikom ay exclusibong maibibigay sa mga sibilyan apektado.

Facebook Comments