Game 7 ng TNT Tropang Giga vs. San Miguel Beermen, inaabangan na!

131

Pipilitin ng nagdedepensang TNT Tropang Giga na talunin ang San Miguel Beermen sa kahuli-hulihang pagkakataon sa Game Seven ng 2022 PBA Philippine Cup Finals.

Bagama’t nagkaroon ng sprained right ankle sa Game Six ay determinado si veteran guard Jayson Castro na maglaro para sa Tropang Giga sa kanilang ‘winner-take-all’ game ng Beermen mamayang alas-6 ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Si Casteo ay kumakamada sa finals series na may mga averages na 16.2 points, 3.2 rebounds, 2.8 assists at 1.6 steals per game.


Itinabla ng San Miguel sa 3-3 ang kanilang best-of-seven championship series ng TNT matapos agawin ang 114-96 panalo sa Game Six kung saan humataw si Marcio Lassiter ng 22 points kasunod ang tig-20 markers nina CJ Perez at Simon Enciso.

Nagpaulan ang SMC franchise ng 16 three-point shots kasama ang pinagsamang 12 triples nina Lassiter at Enciso.

Puntirya ng Tropang Giga ang kanilang ika-siyam na kampeonato, habang target ng Beermen ang pang-28 korona.



Facebook Comments