Gamit na pampasabog ng isang motor rider sa isang police station sa Maynila, tukoy na!

117

Manila, Philippines – Lumabas sa imbestigasyon ng otoridad na isang granada ang pinasabog sa harap ng Arellano Police Community Precinct sa lungsod ng Maynila.

Sa kuha ng CCTV, makikita ang isang lalaking naka-motorsiklo kung saan tinatanggal na nito ang pin ng pampasabog.

Ayon kay Manila Police District (MPD) Chief Directorial Staff, Sr/Supt. Danilo Macerin – aalamin nila kung may kaugnayan ang pagpapasabog sa isang gang war o paghihiganti sa operasyon kontra droga sa naturang lugar.


Inaalam na rin kung may nasugatan sa pamamaril ng mga pulis matapos tugisin ang tumakas na suspek.

Facebook Comments