GANDANG-PINAY | 2 Pinay pasok sa Asias Next Top Model Season 6

Inilabas na ng Asia’s Next Top Model ang 14 na mukha ng mga kandidata para sa kanilang season 6 na magsisimulang umere sa Fox life ngayong ika-22 ng Agosto.

Dalawang Pilipina ang maswerteng nakabilang sa listahan ng mga official candidates, ito ay sina Jachin Manere at Adela Mae Marshall na susubukang masungkit ang korona at sundan ang yapak ng Pinay na si Maureen Wroblewitz na nanalo nitong nakaraang taon.

Si Jachin Manere ay nakilala bilang ka-look alike ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.


Si Jachin o mas kilala bilang Jach ay myembro ng Professional Models Association of the Philippines.

At si Adela Marshall naman ay 20-years-old na tulad ni Maureen Wroblewitz ay hawak ng Prima Stella Management.

Samantala, nagbabalik si Cindy Bishop bilang host at ang sikat na fashion designer na si Yu Tsai bilang mentor.

Ang Asia’s Next Top Model Season 6 ay gaganapin sa Bangkok, Thailand.

Facebook Comments