Gang leader na suspek sa pagpatay sa anim na police officers sa Biñan, Laguna, naaresto ng CIDG sa North Cotabato

1583

Nahuli ng mga tauhan ng Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang isang gang leader na umano’y responsable sa pagpatay sa anim na police officer ng Biñan City Police Station sa Poblacion 8, Midsayap, North Cotabato.

Sa ulat ng PNP-CIDG, kinilala ang suspek na si Mark Anthony Ayug, 37-anyos, na inaresto ng mga pulis dahil sa kasong 9 counts of murder, direct assault at paglabag sa Republic Act 8294.

Si Ayug ay #1 regional level most wanted person sa Region 4A at level 2 sa special list ng High Value Individuals on Anti-Illegal Drugs.

Siya umano’y lider ng “Pogi Sison Criminal Group” na sangkot sa pagbebenta ng droga, gun-for-hire, robbery/hold-up, at extortion na nag-ooperate sa Biñan at mga kalapit munisipyo sa Laguna.

Siya at ang kaniyang mga miyembro ay sangkot sa pagpatay kina Police Senior Inspector Jerry Uy at lima pang police officer ng Biñan City Police Station noong 2014.

Facebook Comments