Gang lider at miyembro nito, arestado sa operasyon ng PNP sa Lanao del Norte

82

Nahuli ng mga pulis ang isang gang lider at miyembro nito sa kanilang ikinasang operasyon sa Poblacion, Tangkal, Lanao del Norte.

Kinilala ang mga nahuli na sina Cabantog Alompo at Madrigal Alompo.

Si Cabantog ay kilalang lider ng Cabantog-Managsa Alompo Group, ang bagong gun for hire group na nag-o-operate sa Lanao del Norte at mga kalapit probinsya.


Narekober sa kanilan ang ilang baril, bala at pampasabog.

Ayon kay PNP Chief General Dionardo Carlos, ang pagkakaaresto sa mga ito at pagkakarekober nang kanilang imbakan ng armas ay malaking tulong sa kanilang anti-criminality campaign operations at manhunt operation laban sa mga sumusuporta sa mga teroristang grupo.

Nanatili ngayon sa kustodya ng PNP ang mga naaresto.



Facebook Comments