Garbage collector na may kasong may kinalaman sa iligal na droga, arestado sa Pateros

36

Huli sa isinagawang operasyon ng mga tauhan ng Pateros Philippine National Police (PNP) ang isang garbage collector dahil sa kaso sa iligal na droga.

Kinilala itong si Fersha Zafra, 35-anyos, residente ng Barangay Bagumbayan, Taguig City, Metro Manila.


Sa ulat ng Southern Police District (SPD), si Zafra ay nahuli sa pamamagitan ng warrant of arrest na inisyu ng Regional Trial Court (RTC) Branch 262 ng Pateros, Metro Manila dahil sa kasong kriminal o kasong may kinalaman sa iligal na droga na may piyansang 200,000 pesos.

Sa ngayon, nasa kustodiya ng pulisya ang naarestong suspek.

Facebook Comments