GAS EXPLOSION | 4 patay habang 24 sugatan sa Poland

Poland – Apat ang nasawi, habang umabot sa dalawampu’t apat ang sugatan sa pagguho ng hanay ng 18 apartment sa Poznan, Poland kahapon.

Kasama sa malubhang nasugatan ang isang batang babae na patuloy na ginagamot sa ospital.

Pansamantala namang inilipat sa malapit na hotel ang nasa 40 residente ng mga nag-collapse na unit.


Sa inisyal na imbestigasyon, posibleng gas explosion ang sanhi ng naging pagsabog.

Facebook Comments