GASOLINE BOY ARESTADO, SA BUY BUST OPERATION SA BAYAN NG MANAOAG

Arestado ang isang Gasoline Boy matapos ang ikinasang Buy Bust Operation laban dito sa bayan ng Manaoag.
Ang suspek ay nakilalang si Rexel Alcantara, residente ng Brgy. Babasit sa nasabing bayan.
Ikinasa ang Buy Bust Operation laban sa suspek pasado alas siyete ng Gabi na nag resulta sa pagkakakumpiska sa suspek ng dalawang sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng .49 gramo na nagkakahalaga ng mahigit tatlong libong piso.

Inihahanda na ngayon ang kasong isasampa laban sa suspek. |ifmnews
Facebook Comments