Gastos sa ASEAN Summit, sulit?

153

Manila, Philippines – Sulit para kay senate majority leader Tito Sotto III, ang multi-bilyong pisong ginastos ng Pilipinas sa katatapos na 31st Association of Southeast Asian Nation o ASEAN Summit.

Giit pa ng senador, posibleng maging triple ang balik o kapalit ng ating ginastos dahil sa dami ng inaasahang benepisyo mula dito.

Ikinatwiran ni Sotto na mabuti ang magiging epekto ng pagtitipon sa ating kalakalan at mga inaasahang dagdag o bagong pamumuhunan sa bansa.

Pinuri naman nina Senators Win Gatchalian at JV Ejercito si Pangulong Rodrigo Duterte at Philippine Diplomatic corps sa matagumpay na hosting 31st ASEAN Summit sa bansa.

Bukod dito, ay pinuri din ng mga senador ang mga otoridad dahil naging maayos at mapayapa ang ginanap na ASEAN Summit at naging ligtas lahat ng mga dumalo dito.

Facebook Comments