Gastusin para sa mga mao-ospital dahil sa matinding init ng panahon, sasagutin na rin ng PhilHealth

Sasagutin na rin ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang pagpapa-ospital bunsod ng nararanasang matinding init ng panahon.

Sa press conference, sinabi ni PhilHealth acting President at CEO, Dr. Edwin Mercado, kabilang sa mga nakapailalim sa naturang package ay heat exhaustion at heat stroke na nagkakahalaga ng ₱12,675.

Paliwanag pa ni Dr. Mercado na habang nasa ₱18,135 naman ang ibibigay sa mga miyembro at dependent nito para naman sa pagkaka-ospital dahil sa heat fatigue.

Dahil dito hinikayat ng PhilHealth ang maagap na pagkilos sa mga heat related condition kaya’t pinaalalahanan ni Dr. Mercado ang mga miyembro at dependent nito na gamitin ang Konsulta packages.

Kasabay nito, pinag-iingat ng PhilHealth ang publiko hinggil sa mga sakit na posibleng dulot ng matinding init ng panahon kaya’t pinapayo nila na maging hydrated ang lahat sa pamamagitan ng pag-inom ng maraming tubig at iwasang bumabad sa araw.

Facebook Comments