GASULINAHAN SA CAGAYAN, INARARO NG ISANG SASAKYAN

Cauayan City – Wasak at natanggal sa kinatatayuan ang pump ng isang gasoline station sa Brgy. Alimanao, Peñablanca, Cagayan matapos itong salpukin ng isang Toyota Hilux.

Sa imbestigasyon ng kapulisan, ang sasakyan na minamaneho ni alyas “Jack” ay tinatahak ang Maharlika Highway patungo sana sa Camasi, Peñablanca at nang makarating sa pinangyarihan ng insidente, bumilis umano ang sasakyan at hindi sinasadyang naararo nito ang isa sa mga pump ng gasulinahan.

Bilang resulta, nawasak ang harapang bahagi ng sasakyan habang natumba at nasira rin ang nabanggit na pump, at sa kabutihang palad ay nakaligtas naman ang driver ng sasakyan.


Kaagad ring rumesponde sa pinangyarihan ng insidente ang hanay ng BFP at nagsagawa ng pag-aapula upang maiwasang magkaroon ng sunog dulot ng electrical ignition.

Sa ngayon ay nasa kustodiya ng Peñablanca Police Station ang suspek at mahaharap sa kasong Reckless Imprudence Resulting in Damage to Property.

Facebook Comments