GAWING MABILIS | Rehabilitasyon sa Boracay, pinamamadali

71

Manila, Philippines – Iginiit ni Senator Sonny Angara ang kahalagahan na gawing mabilis ang rehabilitasyon sa Boracay.

Katwiran ni Angara, hindi dapat mabitin ang takbo ng turismo sa bansa, dahil milyun-milyong turista ang bumibisita sa Boracay kada taon.

Ipinaliwanag pa ni Angara na kung matatagalan pa ang rehabilitasyon sa Boracay ay lalong magiging malala ang pagkasira at pagiging marumi nito.

Ayon kay Angara, hindi na dapat hintayin na tuluyang ipasara ang Boracay dahil maliban sa epekto nito sa turismo at marami din ang mawawalanng trabaho.

Facebook Comments