General Albayalde, nagpaliwanag kung bakit hindi talaga maituturing na terorista ang suspek sa Resorts World incident

213

Manila, Philippines – Binigyang diin ni National Capital Region Police Office Chief Director Oscar Albayalde hindi terorista ang suspect sa nangyaring insidente sa Resorts World Manila kaninang madaling araw kung saan umabot sa 37 ang namatay kasama ang suspect.

Sa briefing sa Malacañang kanina ay sinabi ni Albayalde na kung terrorist attack ang nangyari ay walang habas na namaril ang suspect at nagpasabog pa ito.


Tinawag ni Albayalde na mentally disturbed ang suspect kung saan nagpakamatay ito sa pamamagitan ng pagbaril at pagsunog sa sarili.

Binigyang diin din nito na ligtas ang Metro Manila sa anumang banta at patuloy na nagbabantay ang Philippine National Police partikular ang NCRPO upang matiyak ang seguridad ng publiko.

Inilahad din naman ng opisyal na habang sila ang nagsasagawa ng operasyon sa Resorts World Manila ay wala silang nakikitang hawak na armas ang internal security ng hotel casino.
DZXL558

Facebook Comments