General Assembly ng mga Sultan sa Mindanao , All Set na!

56

All set na ang gagawing General Assembly ng Confideration of the Royal Sultanates of Mindanao. Gagawin ito sa GYM ng Provincial Capitol sa Isulan Sultan Kudarat sa May 5, 2018.

Tinatayang humigit kumulang sa limang daang mga myembro ng sultanato mula sa ibat ibang bahagi ng Mindanao ang lalahok ayon pa kay CRSM Media Affairs Chairman Sultan Atty. Rico Pelandoc sa naging panayam ng RMN Cotabato- DXMY.

Nakatakda ring maglalahad ng kanyang State of the Confideration Address si Royal Highness Sultan Pax Mangudadatu, ng Sultanate of Rajah Buayan sa Buayan at Governor ng Sultan Kudarat Province.

Inaasahang magiging bisita rin ng okasyon si Communications Secretary Jose Ruperto Martin Marfori Andanar habang inaasahang dadalo rin ang Sultanate of Kabuntalan, Iranun Sultanates League of the Philippines, 16 Royal Houses of Lanao, Federation of Royal Sultanates of Lanao, Royal House of Bangsa Kagan Davao, Royal House of Sugoda Buayan Sarangani at Sultanate of Sulu Archipelago and North Borneo .

FILE PIC: FM

Facebook Comments