General cleaning at disinfection, isasagawa sa city hall ng Navotas

19

Magsasagawa muli mamayang hapon ng general cleaning at disinfection sa city hall ng Navotas.

Dahil dito ay pinapayuhan ni Mayor Toby Tiangco ang mga may transaksyon sa city hall na gawin ito bago ang itinakdang oras ng disinfection na alas-3:00 hanggang alas-5:00 ng hapon.


Ang nabanggit na hakbang ayon ay Tiangco ay bahagi ng safety measure makaraang magpositibo sa COVID-19 ang ilang empleyado ng city hall.

Nauna ng isinailalim sa COVID-19 swab test ang mga frontline officers o mga opisinang maraming kliyente ang hinaharap.

Ngayong araw ay inaasahang matatapos na ang swab test sa lahat ng mga empleyado ng city hall para masiguro ang kaligtasan at kalusugan ng mamamayan sa lungsod.

Facebook Comments