General Debold Sinas, masaya raw na magreretiro dahil nagampanan ang kanyang trabaho bilang PNP Chief

111

Naghahanda na si Philippine National Police (PNP) Chief General Debold Sinas para sa kanyang nalalapit na retirement sa May 8.

Aniya, masaya siyang magreretiro dahil nagampanan niya naman daw nang maigi ang kanyang posisyon bilang PNP Chief sa loob ng anim na buwan.

Aniya, walang extension na mangyayari at sigurado na aniya ang kanyang pagbaba sa puwesto sa Sabado pagsapit ng kanyang ika-56 na taong kaarawan.


Hindi rin nagkomento si Sinas sa tanong na ano ang kanyang maiiwang legacy at ‘no comment’ din sa kung tatanggap ba siya ng puwesto sa gobyerno matapos magretiro.

Hindi naman daw magdidikta si General Sinas sa incoming Chief PNP sa mga gagawin nito sa PNP dahil bawat Chief PNP ay may kanya-kanyang programa.

Matatandaang sinabi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Eduardo Año na bago mag-Biyernes ay iaanunsyo na ng Pangulo ang napili nitong bagong PNP Chief.



Facebook Comments