General registration para sa mga driver na nais lumahok sa service contracting, itinakda na ng LTFRB sa November 25

41

Inanunsyo ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na bubuksan na ang General Registration at Orientation Activity sa November 25 para sa mga driver na nagnanais na makilahok sa Service Contracting Program.

Sa ilalim ng programa, magkakaloob ang gobyerno ng performance-based subsidy sa drivers na nakabase sa kilometro ng kanilang ibibiyahe.


Para sa mga interesado, magtungo lang sa Quezon City Memorial Circle Basketball Covered Court simula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon.

Magdala lang ng mga sumusunod:

– Original at Photocopy ng iyong Professional Driver’s License;

– Certification na pirmado ng inyong Operator na nagpapatunay na kayo ay awtorisadong drier ng idineklarang unit;




– Dalawang (2) kopya ng photocopy ng valid ID ng inyong Operator (likod at harap) na may tatlong pirma ng inyong operator; at

– Photocopy ng OR/CR ng minamanehong Jeep.

Maaari namang magparehistro gamit ang Google Form. I-click ang link na ito: https://tinyurl.com/ServiceContracting;

2. Magrehistro sa Door D, Ground Floor, LTFRB Central Office, East Avenue, Quezon City. Maaring mag walk-in mula 9AM hanggang 4PM, Lunes-Biyernes; o

3. Tumawag sa aming Hotline: 1342 at ibigay ang impormasyon na hinihingi ng aming personnel.

Facebook Comments