
Sa unang pagkakataon, ipinaliwanag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kung bakit si General Nicolas Torre III ang pinili niyang maging hepe ng Philippine National Police (PNP).
Ayon kay Pangulong Marcos, hindi sapat na bumaba lamang ang antas ng krimen at tumaas ang drug seizures, dahil mas mahalagang maramdaman ng publiko na ligtas sila sa kanilang komunidad.
Giit ng pangulo, importanteng komportable ang bawat Pilipino at ang kanilang mga anak na maglakad sa gabi.
Sa ganitong klaseng trabaho aniya nakita ni Pangulong Marcos ang pagiging epektibo ni Torre kaya napili niya itong PNP Chief.
Kasunod nito ay agad nilang sinimulan ang Cops on the Beat kung saan pinalalakas ang presensya ng mga pulis sa mga lansangan para maibalik ang tiwala ng taumbayan at masiguro ang kanilang kaligtasan.