Geneva Cruz, sumagot na sa basher na tumawag sa kaniyang ‘pinakapanget’ sa magpipinsang Cruz

212

Hindi nakapagpigil ang aktres na si Geneva Cruz na sumagot sa kaniyang basher sa social media.

Ito ay matapos tawagin ng basher na ‘pinakapanget’ si Geneva sa buong magpipinsan na Cruz.


Sa Instagram stories ni Geneva kahapon, ibinahagi nito ang screenshot ng komento ng isang basher na lumait sa kaniyang itsura sa kanilang magpipinsang Sunshine, Donna, at Sheryl Cruz.

Ayon pa sa basher, marami pa raw lalake ang singer-actress.

Bumuwelta naman si Geneva at sinabing walang pangit sa kanilang pamilya at wala ring pangit sa mundo.

Ang ugali lamang ng nagkomento ang pangit kaya nagiging pangit na rin ito.



Sa ngayon, inamin ni Geneva na patuloy ang kaniyang pagdadalamhati matapos pumanaw ang kaniyang ina dahil sa COVID-19.


Facebook Comments