Genome sequencing sa COVID-19 hotspots, ipinanawagan ni Dr. Leachon

Nanawagan ang health advocate na si Dr. Anthony Leachon sa pamahalaan na magsagawa ng genome sequencing sa hotspot areas para malaman kung sino ang mga tinamaan ng Delta variant ng COVID-19.

Bukod sa genome sequencing, hinikayat din ni Dr. Leachon ang pamahalaan na palakasin ang testing at contact tracing, at pagtatayo ng karagdagang isolation facilities.

Mahalaga rin aniyang bilisan ng pamahalaan ang pagbabakuna.


Nakikitaan ng mataas na positivity rate sa Davao, Iloilo, Bacolod, Mariveles, General Santos, Cagayan de Oro, Baguio at Laoag kung saan senyales ito ng ‘active transmission.’

Facebook Comments