Gensan City Police Office pinaghandaan na ang pagbubukas ng klase sa June 3

General Santos City—Pinaghahandaan na ng Gensan City Police Office ang pagbubukas ng klase sa darating na June 3, ito ang kinumperma ni Police Col. Aden Lagradante, PNP City Director ng Gensan City Police Office.

Sa ngayon kanila pang inaayos ang kanilang security Plan para sa pagbukas nga school year 2019 para masigurong ligtas ang mga mag-aaral na papasok sa klase.

Siniguro naman ni Police Col. Lagradante na daan-daang mga police personnel ang kanyang ipapakalat sa mga paaralan dito sa lunsod.


Sa ngayon tuloy tuloy din ang pagtulong ng PNP sa mga paaralang nag request ng kanilang tulong kung saan nagpadala sya ng mga Police Personnel na tutulong sa paglilinis at pagkumpuni ng mga sirang classroom at arm chair bilang bahagi ng programang balik eskwela.

Facebook Comments