Gerald Anderson, “great love story” ni Bea Alonzo

Tinawag na “great love story” ni Bea Alonzo ang kasintahan niyang si Gerald Anderson.

 

Ginawa ni Bea ang pahayag sa social media kasabay ng birthday ni Gerald noong March 7 kung saan inalala niya ang unang beses na na-inlove siya sa aktor.

 

Taong 2010 nang magkaroon ng maikling relasyon ang dalawa pero October 2018 nang kinumpirma ng aktres na binigyan niya ito ng second chance.


 

Sa isang interview kay Gerald, sinabi nito na gusto niya na ring magkaroon ng pamilya at pangarap niyang magkaroon ng apat na anak.

 

Na-surprise naman daw dito si Bea at inaming kinilig siya sa sinabi ng kanyang boyfriend.

 

Say ng aktres, nasa edad naman na sila at hindi na sila naglalaro.

Facebook Comments